Friday, June 10, 2011

puto at dinuguan

hayzzz... sa aming resto maraming natirang ulan si mother today pagka tapos ng lunch maraming customer naman ang kumain pero hinde pa din maubos-ubos ang ulam, sikreto nito iyan ang mahiwagang lagayan ng ulam ni nanay kahit ilang dami ang kumakain dito hindi maubos-ubos, isa na yung dinuguan na favorite ko parang may kulang sa match ng dinuguan kaya naisipan kong gumawa ng puto para naman sa merienda namin , tamang tama gutom na ako mas masarap kumain lalo na't umuulan,  and since may natitira  pa akong all-purpose flour and eden cheese sa cabinet ko nakatipid pa ako, baking powder & evap milk ang nabili ko lang, napaka easy gawin ... then around 6pm naman w/c is uwian na ng mga empleyado sa company malapit sa amin, syempre dito sila kumain and gladly naubos din ang mga panindang ulam ni mother. hehehe.. so here's the ingredients...

PUTO CHEESE

2 cups all purpose flour
2 tbsp. baking powder
1 cup sugar
1 cup evap milk
1 cup water
pinch of salt

Shift the flour with the baking powder and salt.
Add sugar, milk and water, beat until well incoporated.
Pour the mixture into the puto molds, top with strips of cheese and steam for 30-40 minutes.








puto at dinuguan
 DINUGUAN

1 kilong baboy,hiniwa ng maliliit
2 kutsarang mantika
1 sibuyas, hiniwa ng maninipis
2 butil ng bawang, tinadtad
1/4 na atay ng baboy, hiniwa ng maliliit
1/2 tasa ng suka puti
1 1/2 tasa ng pinagpakuluan ng baboy
1 tasa ng sariwang dugo ng baboy
2 kutsaritang asukal
4 pcs. na siling berde
asin & patis

Pakuluan ang baboy ng mga 30 minutos o hanggang sa ito'y lumambot. Ihiwalay ang tubig na pinagpakuluan ng baboy at hiwain ng maliliit ang laman ng baboy. Lagyan ng mantika ang kawali hanggang sa uminit ito, igisa ang bawang at sibuyas ng ilang minuto. Isama ang laman ng baboy, atay, patis, asin. Gisahin ng 5 minuto. Sa mahinang apoy, lagyan ng suka at hintaying kumulo nang hindi hinahalo hanggang sa matuyuan. Ilagay ang pinagpakuluan ng baboy at hintaying kumulo. Ihalo ang dugo ng baboy at asukal, ihalo hanggang sa lumapot at pakuluan muli ng 5 minuto. Habang mainit pa, ihain nang may kasamang puto.

No comments:

Post a Comment

Doha