Sunday, June 05, 2011
Ang Pamilya
Ang Pamilya
Masaya ang magkaroon ng buo at nakakaisang pamilya, kahit minsan maraming problema at pagsubok ay normal sa loob ng tahanan, ang mga magulang na dinidisplina ang kanilang mga anak ay tanda ng pagmamahal, at dahil alam nila ang mas nakakabuti para sa kanilang mga anak dahil naranasan din nila, at ang mga anak naman na sumusunod sa kanilang mga magulang ay tanda ng respeto at mabuting asal.
Sa buhay ng tao ay una niyang kinamulatan ang pamilya niya (pagkatapos ng paglikha), hinuhubog ang bawat pagkatao at pang unawa sa mga bagay at mga buhay na dapat pahalagaan ng tao lalo na ang pagkakaroon ng masaya at kuntentong individual sa loob ng pamilya o tahanan, minsan ang di pagkakaunawaan at makasariling kagustuhan ang sumisira sa relasyon sa bawat isa sa pamilya, o ang pagbabago na maaring manlamig at tuluyang magkawatakwatak ang bawat isang pamilya, at dahil dito marami ang naaapektuhan, at marahil ang mga dahilang ito ang pinaka mabigat ng rason kung bakit nakakasira sa relasyon ng dating masaya at nagkakaisang pamilya.
Ang pagkasakim sa pera, pagsasarili, ingitan, siraan at mga pagkakampikampihan, kasama ang mga bagay kapalit ang matamis ng relasyon ng bawat isa sa pamilya, maging sa malalapit na mahal mo sa buhay o mga kamag anakan mo na kapamilya.
Kaya kailangan maging handa na harapin ang mga pagsubok at problemang ito. iuna lagi ang pananampalataya sa Diyos kasama ang buong pamilya, maging daan ka para papanumbalikin ang dating masaya at buong tiwala ng bawat isa sa pamilya, patawarin ang nagkasala na kaisa sa pamilya, at magpakumbaba ag bawat isa kung may nagkamali, maging positibo at hindi negatibo, wag mong sayangin ang mga pagkakataon, At laging isipin ang mga mabuting alaala sa samahan ng pamilya at mga pagpapalang nakamtan, dahil ang pamilya ay regalo at kayamanan sa mundong ito.
Alalahanin mo ang iba na walang kinalakihang pamilya at sira ang pamilya dahil sa mga problema at pagsubok na hindi nakayanan, maging mabuting halimbawa ng masayang at nagkakaisang pamilya na marunong makuntento at mamuhay sa tama bilang individual na kaisa at lahat ng nasa loob ng tahanan.
Masaya ako dahil nagkaroon ako ng pamilyang may pagmamahal sa bawat isa, nagkakaisa at may takot sa dios, thankful ako sa pamilya ko dahil kung hinde dahil sa kanila wala ako ngayon sa mundong ito...
Qoute
"You don't choose your family. They are God's gift to you, as you are to them."
~Desmond Tutu
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Doha |
No comments:
Post a Comment