Papaano nga ba natin sisimulan ang pagtitipid? Sa panahon ngayon patuloy na nagmamahal ang mga bilihin, mahalaga ang pagtitipid sa lahat ng bagay, determination and self discipline lang ang kailangan, kung kaya mong controlin ang sarili mo makakaya mong makapag tipid at makapag ipon. I always read tips and advices on savings but naging gastadora din ako kung minsan (nung single) at kung minsan nagiging 'kuripot' din, mas mabuting maging practical na tayong mga nanay!
so here's the list na gusto kong ishare sa inyo...
Sa grocery/pagkain:
1. Kumain muna bago mag-grocery. Minsan kapag gutom tayo, iba ang ating paningin. Lahat ay masarap kainin, kaya kapag nasa grocery marami tayong gustong bilihin. Kung kakain ka bago mag-grocery, tiyak ang bibilihin mo lamang ay ang nasa number 2.
2. Gumawa ng grocery or "to buy" list bago pumunta sa supermarket. Mag-inventory ka muna sa iyong kusina (at kung ano pang parte ng bahay mo na kailangan ng supplies mula sa grocery). Bukod sa paglista ng mga items, makabubuti rin na ilagay mo sa iyong listahan kung ilan (quantity) ang kailangan mo. Kung bibili ka ng patis... ilagay mo kung ilang bote... kung isang bote lang... ilang milliliters? 500 ml or 1000ml ba?
3. Huwag ka na sa imported. Marami na ngayong magagandang produkto na galing sa Pilipinas. Kung mapapamahal ka sa imported at sa tingin mo ay pareho lang naman ang kalidad nito kumpara sa isang Pinoy product, bakit ka pa magdadalawang isip kumuha ng produktong Pinoy?
4. Mas matipid bumili sa public market kaysa sa mga supermarket at malls. Kung may oras ka rin lang at makakatiis sa kaunting inconvenience, pumunta at mamili na lamang sa palengke.
5. Matutong magtanim ng mga halamang malimit mong gamitin sa kusina tulad ng kamatis, sili, basil, pandan, kalamansi, etc.
6. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwelahan. Huwag na pumunta sa mamahaling kainan during ordinary days. Punta ka na lang kapag birthday mo.
7. Huwag na mag-order ng drinks sa fast food. Mag refill ka na lang sa bahay ng tubig at yun ang gamitin kung kakain sa labas. Nakatipid ka na, healthy ka pa. Hindi maganda ang softdrinks sa katawan and definitely, hindi rin napapawi ng softdrinks ang uhaw mo.
8. Mahilig sa siopao, siomai o fries? May mga nabibili sa grocery na ready to cook siopao, siomai and fries. Huwag na bumili sa fast food ng mga ganito.
9. Matuto kang magtimpla ng sarili mong kape. Huwag ma-addict sa Starbucks o kung ano pang coffee shop. Maraming masarap na kape na galing sa Pilipinas at marami ring coffee recipes online. Proud ka pa sa sarili mo kasi you are your own barista.
Sa telepono/internet/communications:
10. Gumamit ng mobile phone card at huwag nang mag E-load. Disiplinahin ang sarili kung magkano lang ang puedeng gastusin sa call & text per month. Maganda ang 300 or 500 na load dahil may mga free texts din naman ito. Isa pa, tumatagal ang mga cards hanggang 3 buwan. Kung magaling ka magtipid ng load, ay maaring abutin ito ng mahigit isang buwan hindi ba? Hindi tulad ng E-load, kapag nag expire na ito ng 24-72 hours, disconnected ka nanaman sa loved ones mo.
11. Enough chatting ka na sa text dahil may instant messengers naman sa internet. Andyan ang Yahoo!, Google, AOL, MSN, at iba pang services. Puede rin naman kayong magkita na lang... may personal touch pa!
12. Kung may kamag-anak sa ibang lugar at gusto mong magtext, i-try mo ang CHIKKA services. Free texting ito. May limit lang ang texts per day. Puede ka rin magtext sa local mobile phone numbers through CHIKKA. So kung tatagal ka sa internet i-open mo na ang CHIKKA at dito ka na muna makitext hanggang sa mag-log off ka na sa internet. Reminder: P2.50 ang reply sa messages mo kaya't sabihan ang loved one na huwag duon mag-reply :)
13. Kung Dial-up ang internet mo, ito ang paraan para makatipid: Mag-connect ka sa net to open your mails. Buksan ang Microsoft Word o ang Notepad. Kopyahin ang mensahe sa email account. I-disconnect ang internet. Basahin ang mensahe sa Word or Notepad. Kung magrereply, mag-reply ng offline. Mag-connect ka na lang kung ipapadala mo na ang ginawa mong reply sa email.
14. Kung mahirap ka lang, huwag makiuso sa mayayaman. Kung alam mong wala kang pera, huwag ka nang mangarap na palitan ang cell phone mo na one year old pa lang. Mabilis ang palit ng mga models ngayon dahil sa mabilis na pagbabago sa technology. Normal itong pangyayari sa mundo... pero hindi normal ang mamulubi dahil sa telepono. Basta nakakatawag at nakakatext, okay ka pa dear.
15. Enough non-sense. Kung magpapacute ka lang naman, eh huwag ka na magtext. Kung manliligaw, mag-set na lang araw at oras para makipag-date. Kung makikipag-bati sa kaaway o kung makikipag-away, pakiusap huwag nang iparaan sa text. Bukod sa tumataas ang probability na masisira ang keypad mo, sayang din ang load.
16. Huwag ka na sumali sa mga promos! Ilagay ang pera sa stocks, bonds, investments, etc. at huwag nang mangarap manalo sa raffle. Huwag na rin mag-download ng kung anu-anong ringtones at wallpapers. Nakakatuwa itong gawin dahil sa maliit na halaga ay may nakukuha ka. Pero hindi ito ang mentality ng mga taong marunong sa pera. Ang paglabas ng pera ay dapat may magandang rason... eh kung ilagay mo na lang kaya yung 15 pesos sa simbahan, makakatulong ka pa...
17. Kung mahigpit ka na sa text, aba'y dapat mahigpit din sa calls. Tumawag lang kung emergency o tuwing life and death situations.
18. Ang mga katagang "la lang", "kumain k n b?", "'no, gwa mo?", o kaya naman ay "k" ay walang lugar sa texting world.
19. Kumpletuhin ang mensahe sa text para hindi na kailangang magtanong ang kasama mo na nasa kabilang linya. Kung makikipagkita sa kaibigan sabihin kaagad sa text ang lugar, oras, pati ang iyong isusuot. Kung may ihahabilin, please be specific and complete. Sagutin na ang who, what, where, when, why, at how.
Sa transportasyon
20. Matutong maglakad lalo na kung malapit naman sa paroroonan.
21. Sa mga may sasakyan, huwag magpapagasolina kung kaka-refill lang ng oil company truck sa gas station.
22. Kung may sasakyan, huwag ka na mag-aksaya ng pera sa accessories. Sa mga may motorsiklo, huwag nang mangarap gawing automatic ang pag-start ng XRM o Shogun mo. May mga cases na bigla na lang tumitigil ang motor (habang umaandar) kapag pinapa-alter ang ignition nito. Kaya't para safe at tipid, huwag na magpa-modify.
23. May mga second hand tires na pinagbibili. Kung luma na ang iyong gulong at hindi ka naman car racer, sa second hand ka na muna bumili. Ang iba, bumibili ng 2 bagong gulong para sa rear or front wheel (depende sa preference mo, but I heard it's better to have good rear wheels) tapos second hand na yung natitirang 2 gulong.
Sa kuryente
24.Isipin mo na lang, kapag malaki ang appliance, malaki ang consumption... so ang malalaking TV ay out. Kung marami kang TV, gamitin ang maliit sa panood ng regular programs. Ang malaking TV mo ay reserved para sa panood mo ng DVDs.
25. Ang electric fan na mabilis ang takbo ay mas malaki ang konsumo kumpara sa mabagal ang takbo. Para makatipid, huwag full speed ang electric fan.
26. Kung bibili ng aircon, dapat alam mo ang sukat ng kuwartong papalagyan mo. Dapat angkop ang horsepower sa sukat ng iyong kuwarto dahil ang pagtaas ng horsepower ay sya ring laki ng konsumo sa kuryente.
27. Aircon pa rin: gamitin ang timer ng iyong aircon. Paandarin lang ito ng ilang oras. Kung walang timer ang aircon, orasan mo ito manually o kung medyo malamig na ang iyong kuwarto, patayin na ito. Huwag umasang magkaka-snow sa kuwarto mo. Kahit anong galing ng aircon mo, hindi ito mangyayari.
28. Hinaan lang ang freezer. Kung may yelo na ang freezer, i-defrost ito. Kung nakakatuwa para sa iyo na mukang maliit na U.S. ang freezer mo, hindi ka matutuwa kapag natanggap mo ang bill mo. Ang freezer na puno ng yelo ay isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang binabayad mo sa kuryente.
29. Ang ilaw/bulb o kahit anong appliance na marumi at maraming alikabok ay mas maraming nagagamit na kuryente. Punasan ang mga ito kapag marumi na.
30. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, aircon, atbp. Patayin ang mga appliances na hindi naman ginagamit. Orasan rin ang pagcha-charge ng cell phone.
31. Patayin ang water dispenser (hot and cold) sa gabi. Wala namang iinom diyan habang natutulog ka. Buksan mo na lang ulit sa umaga.
32. Hulihin ang mga nagnanakaw ng kuryente. Sila rin ang dahilan kung bakit mataas ang binabayad mo sa kuryente. Ikaw ang nagbabayad ng kanilang ninanakaw.
33. Sa tubig Gumamit ng baso sa pagsisipilyo.
34. Huwag gumamit ng shower. Pail and dipper ka na lang.
35. Mag-dilig ng maaga. Huwag sa tanghali o hapon... kasi mag-eevaporate rin lang naman yung tubig na ginamit mo... nag-aksaya ka na, kawawa pa ang plants mo dahil lalo itong malalanta.
36. Marami na kayong alam sa pagtitipid ng tubig kaya ito na ang huli: Patayin ang metro ng tubig kapag aalis ng bahay lalo na kung sa tingin mo ay may butas na ang tubo ninyo. I-report din ito agad sa water district para ipaayos.
Iba pang paraan ng pagtitipid:
37. Huwag ilagay ang lahat ng pera sa ATM account. Sa ATM, nagiging "fluid" ang pera. Ibig sabihin, madaling kunin o i-withdraw ang inyong pera... ibig sabihin ulit, madali itong maubos. Kapag nangyari ito, baka hindi mo mamalayan sa kaka-withdraw mo ay wala na ang ipon mo.
38. Kung may ipi-print ka sa computer na hindi mahalagang document, i-print mo as draft ang document lalo na kung bago pa ang ink cartridge mo. Puede ka rin magpa-refill o bumili ng murang cartridges sa CD-R King imbis na bumili ng bagong ink.
39. Mag "good bye" na sa mga bisyo. Sa pagtigil ng mga bisyo tulad ng pag-inom at paninigarilyo, malaki ang matitipid mo. Kung magaling ka sa math, do the calculation. Kung nasira na ang brain cells mo dahil sa bisyo, ipacalculate mo sa iba.
40. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalangang paraan upang makatipid. Hindi natin makukuha ang kaligayahan sa mga material na bagay. Ika nga nila, "happiness is a state of mind". Ang kaligayahan ay hindi nahahanap sa labas ng ating mga sarili kundi sa ating kalooban. Ang kaligayahan ay nananahan sa atin... naghihintay na mabuksan.
Spend wisely and Happy savings......
No comments:
Post a Comment