Wednesday, May 25, 2011

iba't- ibang klase ng kaibigan

Habang nagse-search ako ng kung anu-ano, nakita ko lang sa isang blog 'toh which is very interesting para sa akin, natuwa lang ako kaya isha-sharre ko lang, nakaka relate ka din ba ?


Iba't-ibang klase ng kaibigan

childhood friend- Ang nakakakilala sa iyo noong uhugin ka pa. Ang kasama mo maligo sa ulan, sa ilog, sa drum. Ang niyayaya mong pumapak ng Milo, Nido o Maggie Noodles in its raw form. Ang taong nakaaway mo man, pero the next minute, friends na uli kayo. In short siya yung living repository ng earliest life history mo.

barkada- Usually composed of more than two members, a barkada could be your batchmates, schoolmates, neighbors, o kainuman sa kanto. Ang barkada for life na ang inyong samahan, dahil marami na kayong pinagdaanan sa buhay in good and bad times. Sila ang gusto mo kasama pag gigimik, pag- mag wi-window shopping, o gagawa ng kabalastugan… kung ano man yun. Ang takbuhan mo pag-nababad-trip ka sa bahay o sa buhay. Kumbaga your barkada is your second family. They are your kindred souls.


special-interest friend- Regardless of your status in life, friends kayo dahil you share the same interest, hobby or passion. Halimbawa your tennis or gym friends.

family friend- Best friends at super close ang mga magulang niyo pareho. Mag-kumpare ang mga tatay niyo or mag-amiga naman ang mga nanay niyo… Once in a while, nag-ge-get together kayo pag may mga parties or family gatherings… so by default kayong mga anak from respective families, nagiging friends na rin.

friend of a friend- When you become a friend to someone, sometimes you also end up being friends with some of his or her loved ones. Yung mga kakilala nya, nakikilala mo na rin. Ang friends nya, nagiging friends mo na rin. Ang boyfriend or girlfriend nya, kailangan isama mo na rin sa iyong circle of friends.

accidental friend- Naaksidente ka. May taong tumulong sa iyo. Somewhat sumagip ng buhay mo. By accident, naging friends kayo.

bine-friend- Minsan sa buhay nakakagawa ka ng medyo di kaaya-aya. Dahil medyo malapit siya sa mailap mong crush, gagawa ka ng paraan para maging kaibigan sya. Hoping maging tulay. Tama ba? Bine-friend kasi may hidden agenda.

weather-weather friend- Kung sunny ang weather, friends kayo. Pero kung bagyo na… break na kayo. Siya yung kaibigan mo lang sa oras ng kasiyahan.

friend with benefits- Medyo may masamang connotation to pero kaibigan mo sya because his or her friendship comes with perks and benefits. Basically, it’s a friendship which sprouted out of selfish reasons.

seasonal friend- Eto yung naging friend mo dahil nagsama kayo ng isang semester sa klase, sa isang dormitory or boarding house, sa isang month-long na training, o sa isang project or assignment. Naging magkaibigan lang kayo for a certain season in your life.

two-face- Akala mo kaibigan mo siya. Pag-kaharap lang pala. Behind your back sinasaksak ka nya.


cyber friend- Frustrated ka with life. Nasa weltanschauung phase ka ng iyong buhay. Nag-log-in ka sa world wide web. May naka-chat ka. You met someone who feels exactly the same… so you become cyber friends. Kasama rin dito ang mga first time mo lang na-meet through Facebook,Twitter, Tumblr, Multiply, Blogger, Formspring, Wordpress, Plurk, at kung anu-ano pang social networking sites.

phone pal/ text mate- Naging friend mo dahil good mood or bored ka nung mga sandaling naka-receive ka ng isang anonymous (or pretending to be anonymous) call or text from someone (which could be a stranger, stalker, or nag-kaka-crush sa yo) wishing na maging kaibigan ka. Buti na lang mapagbigay ka.

special friend- Ang favoritism hindi lang uso sa bahay… pati sa pagkakaibigan nangyayari rin yan. Kung ang friendship ay maihahambing sa halo-halo, karamihan dyan regular… at more or less may isa dyang mako-consider mong special. May ice cream at cherry topping.

confidante- Ang sumbungan mo ng iyong angsts, fears, and dreams. Sya lang ang pinagkakatiwalaan mong humawak ng susi sa mga di- kaaya-aya at top secrets mo in life. He or she could be anyone but not necessarily your bestfriend, kasi minsan pag-nag-away kayo ng bestfriend mo… sa confidante mo lang ikaw lalapit at mag-ngangangawa. In other words, sya ang tinuturing mong adviser sa buhay.

best friend- Ang taong laging kadikit mo. Partner in crime. Could be your soulmate. Could be your total opposite. Para mo na ring kapatid. Ang nakakatampuhan ng matagal. Ang natatawagan mo dis-oras ng gabi. At kahit malayo man kayo sa isa’t-isa, kahit kailan hindi nag-didiminish ang love nyo for one another. It’s like you have your own world na kayong dalawa lang ang tao. The one who points out all your mistakes and faults. The one who sits by your side in times of happiness and sadness. The one who truly accepts and loves you for everything that you are… good or bad. Practically the person who knows, if not all… then almost everything about you. The best friend is your mirror… and may be the little bit of all the kinds of your friends. At higit sa lahat, ang natatanging taong pag-aalayan mo lang ng kantang “If I had only one friend left, I’d want it to be you.”

sa palagay mo, anong klase ng kaibigan mayroon ka ?


No comments:

Post a Comment

Doha