Showing posts with label health. Show all posts
Showing posts with label health. Show all posts

Saturday, October 29, 2011

Rabies


bush
May mga bagay na hinde sinasadya, nangyayare di mo inaasahan nung nakagat ng alaga naming aso ang cousin ko, never expect kase nakatali si bush( name ng dog)nagpaalam lang na hiramin yung mga silya here sa  house para sa binyag ng daughter niya para may magamit, on the next day early in the mornin sinauli na cousin ko buhat-buhat yung mga silya hinde niya alam na malapit siya sa dog ko and started to bit him hindi na siya nakailag, it's the first time na nangyare ito, really badly kase bumaon talaga ang ngipin ni bush sa hita ng cousin ko so responsible namin ipagamot siya kahit very pricey to inject anti-rabies, sinamahan ko siya sa pinaka malapit na ABTC at si bush naman inoobserbahan 24 oras kung may mga senyales na kakaiba, thank god dahil wala namang kakaiba nangyayare kay bush, maayos naman ang pag aalaga ng nanay sa alaga namin aso, healthy naman siya, malabing at malikot. Till now kasama pa din namin si bush.. Gusto ko lang ishare na nakita ko sa web, para in case ready kayo...


Pangunang lunas kung nakagat ng aso


1.Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.
2.Kagat ng aso kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.


3.Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.

4.Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.

5.Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus.



6.Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit.


Tandaan anumang hayop ay may rabies  mabuting mag-ingat palagi.

Tuesday, May 17, 2011

How to protect your eyes

Tuesday mornin absent ang sister ko sa work kase naman tinanghali ng gising,
nakalimutang gisingin ni mother, hay naku may alarm clock naman at ayaw gamitin so nagpasama siya sa eye clinic to check her eyes, irritated daw and may bukol sa lower part of eyelid niya pero nde pa pede operahan and ofcourse kailangan may maipapakitang siyang MC( medical certification) pag pumasok siya sa work and while nag pa check-up nga binigyan naman ni doc. ng reseta and with MC para makapag pahinga siya husto..


Ang mga mata ay napakahalagang bahagi ng katawan ng tao.
Sa pamamagitan ng ating mga mata tayo ay nakakakita , nakababasa, nakapag-aaral, nakakapag-trabaho at nakakaiwas sa panganib. Mahalagang pag-aari ng isang tao , dapat itong pagka-ingatan.

Pangangalaga sa ating mga mata

1. Maghugas ng kamay.
2.Kapag ikaw ay napuwing ,never rub your eyes.
3. Punasan ang mata o alisin ang muta ng malinis na pamunas , maganda kung disposable tissue or bulak para hinde magamit uli.
4. Invest in a pair of good-quality sunglasses .
5. Use eye drops as directed for itchy, watery, dry, or red eyes.
6. Huwag magbasa sa madidilim na lugar.
8. Be sure to get plenty of sleep so your eyes don't strain to stay open during the day.
9. Eat lots of fruits and veggies. Like carrots.Take lots of vitamin A!
1o.Komunsulta sa doktor sa mata (ophthalmologist)

Mas masarap naman sa pakiramdam kung wala tayong sakit sa kahit anong part ng ating katawan , mas makakagawa tayo ng maayos at mabilis kaya always protect yourself...

“Take care of yourself, be healthy, and always believe you can be successful in anything you truly want” - Alessandra Ambrosio

Monday, May 09, 2011

check-ups

Last Saturday we went to pediatrician with ken for his check ups, gusto ko malaman bakit hinde siya na taba , hinde naman pihikan kumakain naman siya except for vegestables nyaahhh eto medyo mahirap sigurong ipakain sa mga bata lalo na kung hindi sila sanay. Sa paghahanda, kailangang masarap ang pagkain at maganda ang presentation, i try this kaso hinde effective sa kanya ... so andun na kami sa clinic and andun na din si dra. ken's weight normal naman sabi ni dra. .. i asked her kung anong mgandang gamot sa purga , hinde ko pa siya napupurga eversince. I'm worry kase hinde siya nataba although madaming food sa bahay and he takes vitamins pa . Dra recommend ANTIOX w/ choco flavor taste.. so bili ako and 2 beses na siyang uminom and mamaya uli... aside for that may sipon & ubo din siya , painumin ko siya ng NEOZEP for kids for colds and LAGUNDI syrup for cough and drink lots of water...
His bowel movements are regular but now let see na lang.

Antiox is a treatment for worm infestations. These worms are pinworms, roundworms, tapeworms, and whipworms. Antiox is the medicine name and its generic name is Mebendazole. Mebendazole has been popular in treating parasite infestations.


Doha