Thursday, June 09, 2011

How are you feeling today?

Thursday morning ang sarap matulog talaga parang ayoko pang bumangon gawa ng ang lamig ng panahon ngayon dahil panay ang ulan namimiss ko tuloy ang aking hubby miski ang anak ko ay tanghali na ding gumising, while si nanay eh kanina pa nagluluto ng mga ulam para sa karinderia, yun lang medyo madalang ang customer ngayon na kakain dahil naulan pansin ko lang. madaling araw pa lang gumigising na si mother 2am para mamalengke sa binan umulan at umaraw, yan lagi ang routine niya except sat and sun syempre pahinga time muna and pag naisipang mag mall sige GO na kasama kami..... tulo-tuloy kasi ang ulan dito, balita na may bagyo na naman kaya walang pasok in all levels. Mapalad kami at hindi kami binabaha sa lugar namin at kaawa awa naman din yung iba sa kani-kanilang bahay na konting ulan lang ay baha na agad at sa malalapit sa mga ilog kung sakaling bumagyo. (concern citizen)
Anyways ewan ko ba bakit ako na badtrip sa araw na 'to? feel ko lang, weather-weather, dahil sa customer panay ang hingi ng libreng sabaw!!! (bad talaga ako) at idagdag mo pa ang makulit kong anak na panay ang hingi ng piso at hinde daw chitchiria ang bibilhin nya kungdi kendi wahhhh. minsan talaga nakakaranas tayo ng ganun feeling na parang wala ka sa mood gumawa meaning tinatamad akoh!!! pero tumutulong pa din ako dahil nahihiya ako sa aking ina kung maghihilata lang ako ng buong araw, hinde ko kaya yon ha na walang ginagawa noh ,ang sipag ko kaya ! hehehe  maybe tommorow nai-flush ko na toh.. ikaw ano ang feeling mo today?

"The most important key to achieving great success is to decide upon your goal and launch, get started, take action, move "- Brian Tracy

No comments:

Post a Comment

Doha