Friday, April 15, 2011

Pagsubok....

PAGSUBOK minsan ang kinakanta ng aking hubby lalo na sa videoke , bakit kaya ? one of the song na favorite niya is this song , napaganda at masarap pakinggan ang boses nya habang kinakanta niya ito and masasabi mo sa mga lyrics totoo ang mga nilalaman ... sa mga lyrics nito may nagpapayo ... habang kinakanta ko parang nagiging matatag ang loob ko na harapin ang mga problema.. ganun din kaya siya ? ngayon hinde lang siya isang kanta para sa akin , ito ay pagsubok para sa amin...


PAGSUBOK
(orient pearl)

Isip mo'y litong lito
Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba bumabalakid
Ay ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

[Chorus]

Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

Since the day about what happened to us , maraming nabago , maraming iniisip, maraming tanong ? maraming pag-uusapan , now he’s in abroad nagwoworry ako sa kanya .. kung papaano at hanggang kelan matatapos ang aming pagsubok, mahirap tanggapin ngunit kailangan mong gawin unti-unti intindihin ang taong matagal mo ng kasama sa buhay ngunit nabago lahat , lahat ng mga pangarap mo, nabago kahit ang aking pagtingin ... hinde ko sukat akalain na sasaktan ka pala at eto ang pinaka masakit na nangyare sa akin... alam ko hinde lahat ng relasyon ay perpekto ..nobody is perfect kung ako man nagkakamali din... ngunit sa buhay ng tao hanggang nabubuhay may pag-asa ,hanggat kaya kakayanin... wala man akong maisulat sa aking blog ngayun dahil blanko ang isip ko , gusto kong umiyak, gusto kong isigaw, gusto kong magalit ... sapat na siguro ang nais kong iparating sa kanya, sana maunawaan nya rin ...hiling ko po lang sa poong maykapal na sana bigyan po kami ng sapat na lakas , tatag ng loob na harapin ang pagsubok na ito alang-alang sa aming pamilya . Kayanin ko po lahat. ..sana maging matahimik at maayos muli....

Doha