bush |
Pangunang lunas kung nakagat ng aso
1.Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.
2.Kagat ng aso kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.
3.Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.
4.Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.
5.Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus.
6.Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit.
Tandaan anumang hayop ay may rabies mabuting mag-ingat palagi.
No comments:
Post a Comment