Wednesday, December 21, 2011

jollibee treat


Recently, I got this Jollibee gift certificate my sister gave me mukang mabait si sister  haha o baka maaga niyang gift  for ken hehe, We still 3 days left and i have so much things left to do before Christmas, mauubos na naman ang budget ko think,think,think...  tuloy nakakamiss magwork, i remember every Christmas nung nagwowork pa ako,  we have christmas party ,exchange gifts, nakareceive ako ng mga gifts, giveaways, groceries and the best gift ever is  maka-receive ng BONUS sa company mo and  all employees are satisfied , happy pauwi sa kani-kanilang bahay..  now hinde na ako nagwowork eh but it's ok  I'm happy naman to be a fultime mom , nakakamiss lang talaga those days.
Then i receive my 2012 planner from jollibee, good thing i have this one ..

Jollibee 2012 planner

Tuesday, December 13, 2011

sumiden mode , san na nga ba sila?

Nakakamiss talaga ang mga taong dating nakasama mo noon sa work, mga naging malapit sayo, kasa-kasama mo sa mga gimik mapa birthday man or fiesta , lahat na ata ng okasyon napuntahan ko noon kahit galing sa night shift basta nagkakayaan kahit wala pang tulog sige go ka ng go..bahala na sa pagpasok uli hehe, naalala ko tuloy lahat ang mga masasayang pinagsamahan namin sa mga panahon na yun kung minsan nagkaroon din ng mga tampuhan pero naayos din at napapagusapan naman.  Nasaan na nga ba sila ngayon?

first trip ng  Standard Dept.

Night swimming @ Los banos,Laguna

Summer outing@ Dalampasigan w/ jepy,jona,abby and my 2 kumare.
Company outing w/ debbie,neth,jho,me,mila,regie,pinky,jen,mabhel and jaide. 

my special day .

nature trip, pa cute kami dyan w/jho,flor,ayie and aneth.

jho's birthday sa bording house nya'

 Company sportfest my first uniform in Volley ball @standard dept.
Dumating ang panahon na mga dati kong kasamahan unti-unti na ding nababawasan at ang iba naman ay nagresign upang  harapin at magkaroon ng  panibagong buhay na darating para sa kanila at ganun din ako ang lalim hehe, Nakakatuwa lang isipin na sa makabagong teknolohiya na ngayon kagaya ng internet sa mga social networking sites  mabilis mo ng makikita at makaka musta sila, may kanya-kanyang buhay at iba ay successful na sa nais nilang marating noon hayzz ang bilis ng panahon, kahit yung iba kong friends na wala sa pictures na ito naaalala ko kayo so i dedicate this blog to all sumidenians dahil minsan silang lahat ay naging malapit sa aking puso.. miss u guys.

Sunday, December 04, 2011

Garage Sale

For the first time in my life , we were planning na mag GARAGE SALE  kaming magkakapatid dito sa aming place, idea lang since malapit na ang christmas ok na ok ang business na 'to ngayon , extra income  din marami na kaming things na hinde na nagagamit dito sa bahay pero pede pang pakinabangan ng iba,so we decided na ibenta na lahat, nung first day for garage sale, napansin ko lang ang dami din palang mga things ng mga kuya ko na need  to dispose , Men and women's clothes , baby clothes na napag liitan na ng mga pamagkin ko, Books ,Toys, Tools and lot more  for a low price kung alam nyo lang excited din ako makita ang garage and we don't know what will happen kung may bibili ba sa amin  then nag open na kami, marami din palang customer na mahilig mamili sa garage , hinde ko namamalayan we were all busy na pala , Nakakapagod but its worth it .. masaya dahil  bonding kami ng mga brothers  ko and the best part is kumita kami ... for the 2nd time again ..nagpa plano na uli hehe.

clothes, pants, stuff toys and lot more ready for garage  

first day of garage sale

Nagaayos kami busy lahat..

my sister waiting for the next buyer, nageenjoy din ang loka ..


Tuesday, November 15, 2011

what is your zodiac sign?

We are all really different people and it is so interesting to know more about our self as well as about other people to understand their interests and motives. Easy to interpret zodiac signs information you can actually use and understand. If you are wondering about a characteristic of a zodiac signs and compatibility you are sure to find what you are looking for...


1. ARIES – Sila ay maiingay, gustong nakaririnig ng gusot, maingay talaga sila, mahilig kumanta, malakas ang puwersa ng boses o lalo na sa lalaki at bilib na bilib sa sarili.


2. TAURUS – Bilib sa sarili, gusto ng magagandang bagay at kapangyarihan at nababagot.





3. GEMINI – Mahusay makipag-argumento, matalino, maharot, pala-laro pero kung minsan ay nakakapikon.











4. CANCER – Napakasensitibo, moody, romantiko at mabait.







5. LEO – Mapagmalaki, kumpiyansa, gusto ng atensiyon, hayag ang loob, madrama ang ugali, ismarte, matalino at mahusay gumawa ng desisyon.













6. VIRGO – Nakagagawa ng trabaho na ayon sa tamang pagkakasunod, ekselente ang kalinisan sa katawan, babaeng-babae at mahilig sa drama.






7. LIBRA – Hindi makapagpasya, maharot, makarisma, napakaatraktibo, mahusay gumawa ng talata ng mga salita.





8. SCORPIO – Mapag-angkin, masikreto, matigas ang ulo, makasarili at may kumpiyansa sa sarili.




9. SAGITTARIUS – Adbenturero, independent, matapang at matalino.




10. CAPRICORN – Matigas ang ulo, mapag-argumento, malakas ang kagustuhan sa anumang bagay, matured at reserbado ang karakter.




11. AQUARIUS – Gustung-gusto na nakatutulong sa iba, laging positibo, masayahin, makarisma, maganda lagi ang kanyang hitsura at matalino.












12., PISCES – Sensitibo, palakaibigan at compatible.

Sunday, November 06, 2011

Eat Bulaga Live

Saturday at 8am first time na makakapanood ng EAT BULAGA  , Yipee... excited ang lahat with family and friends namin sa muntinlupa, ninong and ninang nakasama din sila ,  may baon kaming food para hinde kami magutom, around 9am nakarating kami sa Broadway centrum finally andito na kami, marami na ding nakapila but before the show start  ni remind na kami ng guard na kumain muna dahil baka magutom kami dahil 3pm ang  end ng show, kumain muna kami then pagpasok sa studio bawal na lahat ng things except ang digicam na dala ko, nakakatuwa din manood  ng Eat Bulaga sa studio dahil hinde ka din maiinip sa kaiintay ng show nila sa  alas-dose dahil nagpa practice sila ng kanilang mga dance number at  may 2 bading na nagpapatawa everytime na magco-commercial, sila naman ang bida hihi mga nagpe performed din sa zirko and punchline, sa mga comedy bar, im happy, enjoyed ang family mas ok kung andun si bossing sa studio kaso kasama niya sina jose,wally sa Juan 4 all, pero ok lang din ,masaya naman, it's another great experience that i'l never forget, thanks kay ninong for the van na pinahiram sa amin and to my friend bhie, she the one to make it  happen this event kaya kami nakapanood , thank you , i really appreciate..

while waiting kulitan muna..
we got the numbers

with ninong,denz,carlo and kua resty

commercial pa naman pic,pic

w/ tyron,lerry and denz, playing pinoy henyo na .


Tuesday, November 01, 2011

Kids' Holloween Party

This is the first time na magkaroon ng Kids holloween party, usually kase every christmas lang ang celebration para sa kanila the exchange gifts, playing games and lot more but now nagplano ang mga pamangkin ko na icelebrate daw nila ang holloween  na surely mag eenjoy ang mga kids  may games and lot of prizes para sa kanila, P15 each kid yun ambag nila para sa mga prizes na bibilhin  tapos mas masaya din dahil sagot na ni lola ang videoke na gagamitin , dito kase sa compound napakarami bata, kaya minsan pagbigyan din naman natin ang gusto , Around 6pm nag start ng program , mga naka holloween costume pa with make-up at pagandahan  meron din namang heroes character ang suot hehe ang cu-cute nila, so the game begins nakakatuwang silang panoorin lalo na sa mga games they play pinoy henyo, trip to jerusalem, pop the ballons na may lamang gawgaw at end of program announced   kung sino ang Best Costume sa kanila , simple lang suot ng chikiting ko hehe kaya hinde siya ang winner at marami pa iba...


some decoration na pinghirapan nila

kenneth and jc mga nanakot ..

pagalingan sa dancing ..

ken at mga cousins niya, kulang pa mga yan  sa dami nila .
After the program uwian time na sa kani-kanilang bahay bitbit ang masasayang nangyare para sa kanila, next plan naman christmas party... Happy Holloween....

Saturday, October 29, 2011

Rabies


bush
May mga bagay na hinde sinasadya, nangyayare di mo inaasahan nung nakagat ng alaga naming aso ang cousin ko, never expect kase nakatali si bush( name ng dog)nagpaalam lang na hiramin yung mga silya here sa  house para sa binyag ng daughter niya para may magamit, on the next day early in the mornin sinauli na cousin ko buhat-buhat yung mga silya hinde niya alam na malapit siya sa dog ko and started to bit him hindi na siya nakailag, it's the first time na nangyare ito, really badly kase bumaon talaga ang ngipin ni bush sa hita ng cousin ko so responsible namin ipagamot siya kahit very pricey to inject anti-rabies, sinamahan ko siya sa pinaka malapit na ABTC at si bush naman inoobserbahan 24 oras kung may mga senyales na kakaiba, thank god dahil wala namang kakaiba nangyayare kay bush, maayos naman ang pag aalaga ng nanay sa alaga namin aso, healthy naman siya, malabing at malikot. Till now kasama pa din namin si bush.. Gusto ko lang ishare na nakita ko sa web, para in case ready kayo...


Pangunang lunas kung nakagat ng aso


1.Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.
2.Kagat ng aso kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.


3.Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.

4.Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.

5.Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus.



6.Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit.


Tandaan anumang hayop ay may rabies  mabuting mag-ingat palagi.

Doha