Saturday, October 29, 2011

Rabies


bush
May mga bagay na hinde sinasadya, nangyayare di mo inaasahan nung nakagat ng alaga naming aso ang cousin ko, never expect kase nakatali si bush( name ng dog)nagpaalam lang na hiramin yung mga silya here sa  house para sa binyag ng daughter niya para may magamit, on the next day early in the mornin sinauli na cousin ko buhat-buhat yung mga silya hinde niya alam na malapit siya sa dog ko and started to bit him hindi na siya nakailag, it's the first time na nangyare ito, really badly kase bumaon talaga ang ngipin ni bush sa hita ng cousin ko so responsible namin ipagamot siya kahit very pricey to inject anti-rabies, sinamahan ko siya sa pinaka malapit na ABTC at si bush naman inoobserbahan 24 oras kung may mga senyales na kakaiba, thank god dahil wala namang kakaiba nangyayare kay bush, maayos naman ang pag aalaga ng nanay sa alaga namin aso, healthy naman siya, malabing at malikot. Till now kasama pa din namin si bush.. Gusto ko lang ishare na nakita ko sa web, para in case ready kayo...


Pangunang lunas kung nakagat ng aso


1.Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.
2.Kagat ng aso kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.


3.Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.

4.Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.

5.Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus.



6.Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit.


Tandaan anumang hayop ay may rabies  mabuting mag-ingat palagi.

Tuesday, October 25, 2011

angry bird coin bank

Sunday afternoon my family and I went at robinson mall nagkayayaan lang bonding time since free naman kaming mag-ina, niyaya  lang kami w/ my sis-in-law kasama din mga kids niya ,we're strolling around the mall and para na din mag groceries at maibili na din ng mga snacks/ baon ni ken in school , so lakad-lakad  kami, nakakita na nman ng toy si ken kasama mga cousins niya , so grab niya agad, yung uso-uso ngayon na angry birds, when i saw the toy cute siya , nice style , angry birds coin bank, very useful  for ken na matuto din siyang mag save ng money in his own way kaya sa pagpasok niya sa school magsasave na daw siya ..hehe and  best and ideal gift din w/ your friends and family na din, so magbalik tayo nagpapaalam na bilhin ko na agad , sabay "pls..pls. mama" hirap talagang tumanggi noh'  alam ko kukulitin pa niya ako yan. so binili ko na din , at yun happy siya today..



Angry bird coin bank
"While we try to teach our children all about life, Our children teach us what life is all about."-Angela Schwindt

Monday, October 10, 2011

secret reveal

This day i feel better nasabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin for almost 5 months , and i know na hinde ko din masisisi na mag iba ang tingin nya , i know mahirap i accept ang tao na minsan mong  bingyang ng halaga, to give trust and give everything  para maging  happy sa taong ito, that's life. I feel better dahil i know myself  , but i doesn't mean habang buhay tong sekreto , totoo pala ang kasabihan na " walang lihim na hindi nabubunyag". by the time na dumating yon marami na akong na ipon na lakas na harapin yon. right now kukunti pa lang, im hoping na  matutuhan kong maintindihan at tanggapin ang lahat ng magyayari sa buhay ko. there's a right time . I'm trying to be good na wala akong nasasaktang tao, so help me god, you're my strength.

Doha